2 Samuel 22
1 At sinalita ni David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.
2 At kaniyang sinabi, Ang Panginooy aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid bagay akin;
3 Ang Dios, ang aking malaking bato, na sa kaniya akoy manganganlong: Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.
4 Akoy tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin: Sa ganyay maliligtas ako sa aking mga kaaway.
5 Sapagkat ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin; Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin.
6 Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin: Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin.
7 Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon; Oo, akoy tumawag sa aking Dios: At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing ay sumapit sa kaniyang mga pakinig.
8 Nang magkagayoy umuga ang lupa at nayanig. Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos. At nangauga, sapagkat siyay nagalit.
9 Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok: Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon.
10 Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba: At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
11 At siyay sumakay sa isang querubin at lumipad: Oo, siyay nakita sa mga pakpak ng hangin.
12 At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga kulandong sa palibot niya. Na nagpisan ng tubig, ng masisinsing alapaap sa langit.
13 Sa kaningningan sa harap niya Mga bagang apoy ay nagsipagalab.
14 Ang Panginooy kumulog sa langit, At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya.
15 At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila; Kumidlat, at nangatulig sila.
16 Nang magkagayoy ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw, Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita. Dahil sa saway ng Panginoon, Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong.
17 Siyay nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako; kaniyang kinuha ako sa maraming tubig;
18 Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway, Sa nangagtatanim sa akin; sapagkat silay totoong malakas kay sa akin.
19 Silay nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko: Ngunit ang Panginoon ay siyang alalay sa akin.
20 Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako: Kaniyang iniligtas ako, sapagkat kaniyang kinalugdan ako.
21 Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran: Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako.
22 Sapagkat aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios.
23 Sapagkat ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko: At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan.
24 Ako rin namay sakdal sa harap niya, At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan.
25 Kayat ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin.
26 Sa maawain ay magpapakamaawain ka; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka;
27 Sa dalisay ay magpapakadalisay ka; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka.
28 At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Ngunit ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.
29 Sapagkat ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman.
30 Sapagkat sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong: Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta.
31 Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal; Ang salita ng Panginoon ay subok; Siyay kalasag sa lahat ng sa kaniyay kumakanlong.
32 Sapagkat sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios?
33 Ang Dios ay aking matibay na katibayan: At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad.
34 Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa; At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako.
35 Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma. Na anopat binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso.
36 Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas: At pinadakila ako ng iyong kaamuan.
37 Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko, At ang aking mga paa ay hindi nadulas.
38 Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay; Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa silay nalipol.
39 At aking pinaglilipol, at aking pinagsasaktan sila, na anopat silay hindi nangakabangon: Oo, silay nangabuwal sa paanan ko.
40 Sapagkat akoy binigkisan mo ng kalakasan sa pagbabaka: Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
41 Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway, Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin.
42 Silay nagsitingin, ngunit walang mangagligtas: Sa Panginoon, ngunit hindi niya sinagot sila.
43 Nang magkagayoy pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa; Aking pinagyurakan sila na gaya ng putik sa mga lansangan, at akin silang pinapangalat.
44 Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan: Iningatan mo ako na maging pangulo sa mga bansa; Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
45 Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin. Pagkarinig nila tungkol sa akin, silay magsisitalima sa akin.
46 Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay, At magsisilabas na nanganginginig sa kanilang mga kublihan.
47 Ang Panginoon ay buhay; at purihin nawa ang aking malaking bato; At itanghal nawa ang Dios na malaking bato ng aking kaligtasan,
48 Sa makatuwid bagay ang Dios na ipinanghihiganti ako. At pinangangayupapa sa akin ang mga bayan,
49 At inilalabas ako sa aking mga kaaway: Oo, iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin: Inililigtas mo ako sa marahas na lalake.
50 Kayat pasasalamat ako sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan.
51 Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari: At nagmamagandang loob sa kaniyang pinahiran ng langis, Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man.